rain,lights and colors
Deadly Dance is best viewed in screen resolution 1280 x 1024. This site is image heavy. All images here are copyrighted to me, otherwise stated. Layout inspired by Now, Now Every Children's In the City.




posted : Wednesday, May 16, 2007
title : Walang Paki
Napaisip lang ako. Bakit halos lahat ng mga ka-opisina ko, madaming kuro-kuro sa buhay na feeling ko na agree naman ako, pero feeling ko rin na di ko siya na-fe-feel. Gets mo? May mga opinyon sila tungkol sa mga bagay bagay na wala akong paki-alam. Tulad na lang sa trabaho namin. Yung iba gusto ng umalis sa department namin kasi halos araw araw parami ng parami ang trabaho. Napapagod na sila at feeling nila dahil sa trabahong ito nagkakasakit na sila. Okay, agree ako dun, gabundok na ang trabaho sa office, lagi na kaming OT, nakakasulasok na ang alikabok ng pera, pero bakit wala pa rin ako sa brink of leaving the department stage? Sila daw, stressed. Ako, ewan ko. Stressed siguro, pero di ko maramdaman. Syet, mamamatay na yata ako di ko pa alam. Ewan ko ba. Bakit naman ako mai-istress eh sa umaga wala kaming ginagawa, hapon lang naman kami nagbibilang ng pick-up deposits at pag mondays and tuesdays lang talaga ako nagbibilang. Well, siguro relaxed lang ako ngayon kasi yung partner ko ang nagbibilang ng deposits, habang ako ang dakilang tiga validate ng deposit slips.

Malala na yata ang pagka walang paki ko sa mga bagay bagay. I don't have a mind of my own. Basta pag-uso sunod lang ako sa agos. Yun ang pangit sa akin eh. Hindi ko mapapansin na overworked na ako unless may magsasabi sa akin nun habang inaatake ako ng migrane at sumusuka. Hindi ko mapapansin na nakakadulot ng ubo at sipon yung working environment namin hanggat wala pa akong ubo o yung katabi ko. Basta, gusto ko ng baguhin yung ugali kong agree lang ng agree, di maka-realize ng bagay bagay sa sarili nya. Madaling ma-brainwash. Gusto ko ako yung unang magsasabi ng ganito ganyan bago sila. Basta, wala akong backbone. Ang panget nun. Gusto kong maging independent. Hindi takot na mag-isa. Well, ganon siguro ang tingin sa akin ng mga boys, independent, walang sinasanto, mataray, kaya na mag-isa. Kaya siguro walang nanliligaw sakin eh. Pero tsong, mali kayo. Isa akong fragile at tatanga-tangang dilag. Walang sariling utak. Walang sariling opinyon. Go with the flow lang kung baga.

Grabe, turn off na sila nyan.
Hay, kailangan ng magtransfrom.

Labels: ,

← OLDER
NEWER →