rain,lights and colors
Deadly Dance is best viewed in screen resolution 1280 x 1024. This site is image heavy. All images here are copyrighted to me, otherwise stated. Layout inspired by Now, Now Every Children's In the City.




posted : Tuesday, February 20, 2007
title : Asar
I went home tonight feeling miserable. I dunno why. Probably, I'm just tired. I'm so pissed off, I wanna cry. Pero the catch is di ko alam kung bakit. Puro feeling ko lang... Nakakaasar. Siguro dahil ang tagal ng partner ko makabalanse dun sa mga nabilang namin tapos mali pa yung mga sinusulat nya dun sa mga ina-out naming pera. Haaay. Di ko lang siguro mailabas yung inis ko doon kaya pag dating ko dito, sambakol mukha ko. Kasi sa office ako yung tipong pa-okay okay lang. Ayoko kasi maging maarte sa trabaho. Kung madami gagawin ko, kung walang tutulong sakin, okay lang, kung meron, salamat. Kung may ginawa kang ka-engotan sa trabahong pineper-fect ko, sasabihin ko, okay lang...kahit na sinisigawan na kita at sinasabihan kitang sasabunutan kita. Naka-smile, parang okay lang. Wala naman akong reklamo sa bago kong partner...mejo mabagal lang talaga sya compared dun sa dati. Pero awa naman ng Diyos at bumabalanse naman kami araw araw. Madalas lang akong ma-EC. Haay. Ang bad ko naman. Tapos eto na naman yung feeling na bakit parang ako palagi ang....haay wag na... feeling ko na naman ito.

Tapos isa pa yung ngayon na natanggap namin yung rating namin sa work. Pare-pareho yata kami pero sobrang obvious naman na sa lahat sa amin ako lang ang walang reklamo sa kung anong ginagawa ko samantalang 5 sa mga kasama ko ang walang bukambibig kundi ang pahirap nilang trabaho. Punyeta. Minsan yung iba yata nadadaan lang yung boss ko sa pa-cute effect nila para magkaroon ng maayos na rating grade. Pucha, di yata tama yun. AYOKO NG GANON! Gusto ko equal and just lang sa trabaho. Hindi yata tama na yung iba patele-telebabad lang habang yung iba eh half day ng nagbibilang ng pera, madalas pang gumala pag lunch. Sila na nga tong walang masyadong ginagawa, mas mataas pa yata grade sayo! PUNYETA!!! May pinatutukuyan pa ako dito? Siguro oo.

Isa pa din sa mga nagpa-asar sa akin ngayon eh nakalimutan ko ang coat ko sa office. Di ko alam kung saan nakalapag, maaaring wala na sya, maaaring andun pa. Sabi ko na nga ba at may nakalimutan ako eh. Dadating pa naman bukas yung president ng company, di match yung coat at uniform ko. Ang panget.

Basta badtrip ako.
At feeling ko dahil yun sa naiwan kong coat na nadagdagan lang ng iba pang mga bulsyet na pangyayari. PUNYETA!!!

Labels:

← OLDER
NEWER →