Deadly Dance is best viewed in screen resolution 1280 x 1024.
This site is image heavy. All images here are copyrighted to me, otherwise stated.
Layout inspired by Now, Now Every Children's In the City.
Deadly Dance is best viewed in screen resolution 1280 x 1024.
This site is image heavy. All images here are copyrighted to me, otherwise stated.
Layout inspired by Now, Now Every Children's In the City.
|
posted : Sunday, January 21, 2007
title : Good Morning Sunshine!
Huwaw! Alas-3 na ng umaga at eto ako, inuubos ang oras sa pag-gawa ng walang kwentang bagay. Well, minsan ko lang naman magawa itong mga walang kwentang bagay na ito, so pagbigyan nyo na ako. Eto ang gusto ko sa weekends. Makakapag computer ako hanggang madaling araw, makakanood ng TV hanggat may magandang palabas, makakapag soundtrip hanggat ayoko na at makakapag DVD marathon ako hanggat di pa nauubos ng pwede kong panooring anime series sa DVD.
Speaking of anime series, napapansin nyo ba ang panibagong layout ko? Yes, ito ang isa sa pinaka paborito kong anime series sa ngayon! BECK: Mongolian Chop Squad. Astig kasi eh. Tungkol ang anime na ito about a boy fulfilling his dream as a musician. Tungkol din ito about the band and how they became big. Basta mga ganung ka-chuvahan. Basta super ganda nya at trip na trip ko ang mga sounds sa series kahit ang mga kanta doon ay mostly in Japanese. May MP3 na nga ako nung ibang mga kanta ngayon at halos paulit-ulit na sila for the past two hours. Astig talaga! ASTIG! So, nakwento ko na ba na may pinagbigyan si Karen ng number ko? Ayun, ewan ko ba kung magiging kasundo ko itong lalaking ito. Feeling ko inde kasi wala manlang akong driving force para i-text siya or something. Wala talaga. Walang koneksyon sa simula pa lang. Haaay. Ewan ko ba kung bakit sobrang hirap para sa akin to find a guy na magugustuhan ko. And if ever i find one naman, hindi naman pwede. Parati na lang ganito. Kaya nga inaasa ko na lang ang lahat sa Diyos at sa love-at-first-sight. Oo. Mas gugustuhin ko pa ang love-at-first-sight scenario sa una naming pagtatagpo ni Mr. Right kaysa makikilala ko siya thru friends, text, or at work. Parang gusto ko sa simula pa lang, gusto na ako ni Mr. Right. Hindi ko na kailangang magintay na ma-develop sya sa akin kasi mukhang malabo yang sinasabi mong develop-develop na yan. Walang lalaking makakaapuhap (lalim no?) ng takbo ng utak ko. Kasi ang weird eh. Kailan ka pa nakakita ng babaeng sobrang tahimik pero mahilig sa rock music? Mahilig manood sa cartoons at maglaro ng video games kahit beinte-uno anyos na sya? Mas trip pang pumunta sa toystore kaysa sa bilihan ng damit? Walang kiber kung mukha na syang basura sa itsura nya? Sa mundong ginagalawan ko, tingin ko ako lang ang ganito. Unique ako in my own way. Ayaw ba ng mga lalake ng unique na babae? Mas gusto ba nila ng usual na babae na mahilig mag-ayos, mahilig sa pop at RnB, nanonood ng Grey's Anatomy o ng Charmed, mahilig sa damit at sapatos, mga kikay? Yak, ang boring nila ah! Labels: random
|