Deadly Dance is best viewed in screen resolution 1280 x 1024.
This site is image heavy. All images here are copyrighted to me, otherwise stated.
Layout inspired by Now, Now Every Children's In the City.
Deadly Dance is best viewed in screen resolution 1280 x 1024.
This site is image heavy. All images here are copyrighted to me, otherwise stated.
Layout inspired by Now, Now Every Children's In the City.
|
posted : Saturday, January 27, 2007
title : Do Do Do De Da Da Da
Madaming mga pangyayari nitong nakaraang linggo.
Una, sa trabaho. Ngayon, nagkakairingan na ang mga pick-up teller at kaming mga posting teller pagdating sa pagbibilang ng kaperahan na dinadala nila. Di raw makatarungan na solohin nila ang bayad in case na short o may nakuhang fake sa bundles nila. Syempre, bwelta naman ang mga kagandahan kong ka-opisina na nagsolo rin minsan na magbayad ng short dahil ayaw panagutan ng pick-up teller nya yung short. Kaya nagkaroon na sila ng usuapan na pag short ang pera before the day ends, pick-up teller ang sagot, pero pag dating sa mga counterfiet na nadetect sa mga bundles, hati na un. Saka simula rin noon, naging cautious na mga partner namin. Binibilang na nila sa armored car yung pera, tapos gusto pa ni Sir Randy na switch places na kami ng partner namin sa table. Pero inspite of all the changes na sinabi nila eh as is pa rin kami ng partner ko sa kung anong diskarte namin before. Tutal, sobrang bihira lang kami madisbalanse, saka siguro naman hindi sya naghihinala na kinukupitan ko yung mga deposits nya. Trust lang naman yun eh. Hindi ako bale para mangupit at in the end eh magbabayad din ako no! Saka if ever nagbibilang kami, magkaharap kami so walang hocus pocus na magaganap. Wala na syang masisisi at mahihiling kung ako partner nya. Wahaha! Feeling ko ako na ang best partner ng pick-up teller dun eh. Wahahaha! Kaya nga di na ako masyadong naiinis sa trabaho ko. Pangalawa, sa lalake. Wala talagang kwenta yung lalakeng pinakilala sa akin ni Karen. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis. Lagi na lang akong di nirereplayan sa text. Ako pa naman ang tipo ng tao na ayaw maging huling nagtetext at hindi nirereplayan. Gusto ko ako ang hindi magrereply at hindi sya! Punyeta! Tapos nagpapa-add sa friendster, di naman ina-approve yung request ko! Poknat naman oo! Ayoko ng ganong lalake! Booo! Pangatlo, techie stuff. Sa wakas, meron na akong digital camera!! Meron na akong Canon Powershot A540! Binili ko sya kahapon, after naming pumunta ng DFA para mag-apply ako ng passport. (oo, hindi na naman ako pumasok. Friday sickness ika nga.) Actually, dapat hindi pa ako bibili, canvass canvass pa lang. Pero naudyokan ako ng nanay ko na para daw matahimik na daw ako ay bilin ko na. Syempre binili ko na kasi todo assist na yung andun sa Abensons eh. Nabayaran ko ang mahigit kinse mil na camera na yun gamit ang aking credit card. *gulp*. Isang taon kong gugugulin ang pagbayad dun. So isang taon ko din hindi gagamitin ung card! Wahahaha! Excited na akong mag piktyur piktrur sa labas. Sana maayos na yung sasakyan para makagala kami sa Boardwalk or MOA para makapag picture taking ako ng mga bagay-bagay. Pero syempre, pag-aaralan ko muna sya diba?? Ika-apat, movies. Napanood ko na yung Silent Hill. Pucha, napaka freaky ng movieng ito and I must say, na-enjoy ko sya! Imaginin mo na lang na napadpad ka sa Silent Hill, magisa ka, tapos biglang may maririnig kang sirena, didilim ang paligid at pagbalik ng liwanag, iba na ang paligid at may makikita kang gruesome monster mga ilang metro away from you. Punyeta! Ayoko nun! Tapos foogy pa yung place...eerie! At kanina naman, bumili ako ng mga essential na bagay gaya ng bagong flip-flops, undies at panyo. Binili ko na rin ng rechargable battery yung cam. Pucha ang mahal pala nun! Tapos balak ko pang bumili ng SD Card na 1gb kaso next time na lang yun. Di ko tuloy nabili si mommy ng bagong tsinelas na noon pa nya hinihiling sa akin. Haay, gusto ko sana kaso super kulang na talaga pera ko kasi hihingin pa nila yung matitirang 4k sa sweldo ko para pang-open nila ng account para sa show money. Gusto ko talaga syang ibili kaso kulang talaga money ko. Nag-guilty tuloy ako. Haaaay... NEW LAYOUT featuring Cansei de Ser Sexy. I totally love their song 'Music is My Hot Hot Sex'.
|