Deadly Dance is best viewed in screen resolution 1280 x 1024.
This site is image heavy. All images here are copyrighted to me, otherwise stated.
Layout inspired by Now, Now Every Children's In the City.
Deadly Dance is best viewed in screen resolution 1280 x 1024.
This site is image heavy. All images here are copyrighted to me, otherwise stated.
Layout inspired by Now, Now Every Children's In the City.
|
posted : Friday, January 19, 2007
title : After 48 Years...
Nakakatawa. Binabasa ko yung mga past entries ko dito sa blog na ito at napansin ko na madalas kong dini-discuss sa blog na ito ang pagka-kulelat ko pag dating sa love. Kulelat as in never been loved since birth. Kaawa-awa. Kahabag-habag. Parang ako na ang pinaka walang charm na babae sa balat ng lupa no? Adik kasi.
Kaninang tanghali, kainan galore kami ulit sa office for some reason na hindi ko maintindihan. Basta trip lang ni Sir Randy na umorder na naman kami sa Silver Crown at bilin ang kina-aadikan nyang Buttered Chicken. Ako ang in-assign nyang mag plano para dun sa kainan churva. Eh alam mo naman ako, pagdating sa ganyang bagay, hindi maaasahan. Kumain lang ang alam kong gawin. Pero napilitan pa rin akong magtanong sa mga kasama ko kung ano ang gusto nilang orderin, kinompyut ko yung mga gastos at nagolekta ng kaperahan mula sa kanila. Awa naman ng Diyos, nakaorder kami ng pagkain before lunch. Ang pansin ko eh ang maganda sa paghandle ng mga kaperahang ganyan eh ang sukli. Oo, kasi sayo na mapupunta. Barya barya lang naman eh, pwede ng pamasahe pauwi. So, tanghalian na. Kailangang mag-partial ng lahat ng pick-up teller para makakain ng lunch. Pero unfortunately, meron sa kanila ang di na muna magpa-partial para isang bagsakan na lang sa hapon. Yung partner ko naman eh nakatsibog na daw nung nabasa nya yung text ko. So habang wala pa sila, kaming mga so-called partner ng mga pick-up tellers na ito eh nagmamadaling mag-reserve ng pagkain para sa mga partners nila. O sila lang. Sila Dianne at Abby sobrang busy sa pagbubukod ng pagkain para sa mga partner nila, habang ako, ayun, kumakain pa rin ng sarili kong pagkain. Bakit? 90 pesos ko yun, walang pakialamanan! Kinuha ko na lang sila ng food ng medyo nangangaunti na yung food ko sa plato ko kasi naisip ko rin na kawawa naman yung partner ko mauubusan ng pagkain. Saka minsan lang ako mag-show ng concern dun sa partner ko no. Kasi sila Dianne, kuntodo sweet nun sa mga partner nila habang ako, minsan ko lang imikin yung akin. Hahaha! Adik no? At dahil dito, napansin ng isa naming officer na hindi daw ako sweet sa partner ko. Sabi ko naman oo kasi hindi ako showy, lalo na kung lalaki. At last may nakapansin din at may nagsabi sa akin ng trait kong ito. Agree naman ako. Wala talaga akong ka-sweet-an sa katawan. Kahit nga sa mga kaibigan ko hindi ako sweet eh, sa ibang tao pa kaya, most specially kung guy. Hindi lang ako sanay kungbaga... Oo, kasi hindi pa ako nagkaka-boyfriend kaya wala pa akong kasanayan sa mga pa-sweet effect na yan. Kahit na concerned ako, hirap akong ipakita yun. Wala akong alam sa mga bagay na ganyan. Saka mas sanay kasi ako na ako ang pinagrereserve ng food kaysa iba eh. Punyeta, di yata ako magiging isang ulirang housewife balang araw ah. At bago pa iyon, magiging isa rin akong walang kwentang girlfriend! How nice. Very nice. Pucha, ang kyut ni Chiba sa anime na BECK.
|