Deadly Dance is best viewed in screen resolution 1280 x 1024.
This site is image heavy. All images here are copyrighted to me, otherwise stated.
Layout inspired by Now, Now Every Children's In the City.
Deadly Dance is best viewed in screen resolution 1280 x 1024.
This site is image heavy. All images here are copyrighted to me, otherwise stated.
Layout inspired by Now, Now Every Children's In the City.
|
posted : Saturday, January 13, 2007
title : Ang Pangarap Kong Lovelife
FOREWORD: Ang lahat ng mababasa nyo ngayon ay kathang isip lamang. Opo. Guni-guni lamang ng isang taong malapit ng mawala sa sarili.
Ito ang Pangarap kong Lovelife. Makikilala ko si Mr. Right, sa tamang panahon (mga two to three weeks from now). Siya ay isang lalaking di naman gaanong gwapo, pero moreno, mukhang mabango at marunong magdala ng sarili. Medyo matangkad siguro siya ng kaonti sa akin. Mukha syang mabait at mayroon syang mga ngiti namakakapag pangiti din sa akin. Sa unang tingin mo palang sa kanya, alam mo na na isa syang responsable, matalino at madiskarte na tao. Alam nya ang mga tamang salitang sasabihin sa tamang sitwasyon at panahon. Meron syang matatag na hanap buhay at nakapagtapos din ng college. Bukod sa lahat siya rin ay relihiyoso at may takot sa Diyos. Syempre, magugustuhan ako ni Mr. Right dahil meron syang nakitang maganda sa akin na hindi pa nya nakikita sa ibang babae. Meron siyang mahahanap na 'unique factor' sa akin kahit wala ako noon. I-pupursue nya pa rin ang kanyang nararamdaman kahit ako pa ang reyna ng ka-supladahan at kahit na isa pa ako sa pinaka un-interesting na tao sa mundo. Tatratuhin nya akong espesyal. Siya ang magiging unang tao na magpapadama sa akin noon. Andun yung mga panahon na palagi nya akong ihahatid pauwi sa bahay, aalalayan sa paglakad at pagtawid sa daan, tatanungin kung kumain na ba ako, magsshare ng jokes at ng mga daily kwentong buhay. Okay lang kahit walang mga materyal na bagay syang maibigay. Basta maramdaman ko lang na special ako sa kanya, sapat na yon para ibigay ko sa kanya ang matamis kong 'OO'. Magiging masaya ang mga unang araw namin as a couple. Andyan yung mga araw na puno ng tawanan at harutan, tapos mga sweet nothings naman ang kasunod. Meron din dapat time para sa mga seryosong usapan. May panahon pa rin kami dapat para sa mga sarili namin at sa aming mga pamilya. Hindi kami magsisinungaling at magtatago ng sikreto sa isa't isa. Makikilala namin ang kaibigan ng isat-isa pati narin ang pamilya. Considerate kami sa isat-isa at madali naming inaayos ang anu-mang problema. Is-share namin sa isat-isa ang mga hilig naming gawin, mga hobbies, tipo ng music at pinapanood sa TV. Magiging masaya kami at mas marami pa kaming madidiskubre sa isat-isa as days pass. Sa first monthsary namin, bibigyan ko siya ng isang mix CD nga mga pinaka-romantic na rock ballads ng mga paborito kong banda. Didisign-an ko pati ang cover at CD sleeves nito para mas special (complete with lyrics pa!). Eto yung mga kanta (not yet in order, pinagiisipan ko pa): 1.) Stolen - Dashboard Confessional 2.) My Heart - Paramore 3.) Saved - The Spill Canvass 4.) Goodnight and Go - Imogen Heap 5.) All Is Full of Love - Death Cab for Cutie 6.) All Around Me - Flyleaf 7.) Beating Heart Baby - Head Automatica 8.) Better Half - The Get Up Kids 9.) Echo - Incubus 10.) Yellow - Coldplay 11.) You and Me Song - The Wannadies 12.) If You Leave - Nada Surf 13.) The Closest Thing - The Juliana Theory 14.) Blue and Yellow - The Used 15.) Maps - Yeah, Yeah, Yeahs Astig no? And then we will live happily ever after! <3 Labels: love
|