rain,lights and colors
Deadly Dance is best viewed in screen resolution 1280 x 1024. This site is image heavy. All images here are copyrighted to me, otherwise stated. Layout inspired by Now, Now Every Children's In the City.




posted : Wednesday, October 25, 2006
title : Happiness By the Kilowatt
Ewan ko ba. Asar na asar ako ngayon sa buhay. Minsan talaga gusto ko na lang umiyak basta. Nakakapagod na kasi ang work tapos wala pa talaga akong ka-close as in sa office. Yung tipo bang lagi kong katawanan and such. Tapos lagi pa akong late nakakauwi. Wala ring inspiration. Ang taning nagpapasaya lang sa akin ngayon ay ang pagkain ng chocolates, pakikinig sa mga bagong mp3 ko, at mamasyal kasama sila mommy at daddy. Mababaw lang naman kaligayahan ko eh. Pero alam ko, itong mga bagay na ito ay temporary lang na nagpapasaya sa akin. Pag feeling kong tumataba na ako, syempre stop na sa chocolates. Pag di ko na trip yung kanta, dedelete ko na. Pag wala na akong pera, dito na lang kami sa bahay.

Ako yung tipo ng taong hindi pinapakita na malungkot sya...naiinis...nasasaktan. Reyna ako ng denial. Plastic kung baga. Akala nyo okay, hindi naman pala. Sa totoo lang galit ako kahit mukha akong walang paki sa mundo. Okay. Inis lang. Inis ako sa boss ko. Inis ako sa mga ka-opisina ko. Inis ako sa mga lalaki na hindi manlang ako napapansin. Inis ako sa sarili ko. Inis ako sa country na ito. Sa presidente. Sa lahat ng sobrang O.A. pagdating sa sawing pag-ibig. Sa lahat ng sobrang O.A. pagdating sa masayang lovelife. Sa lahat ng naging girlfriend ni Brandon Boyd. Sa mga high school friends ko. Sa trabaho naming sak-sakan ng dami. Sa lahat ng feeling special at maganda. Sa lahat ng akala mo kung sinong perpekto. Sa lahat ng matatakaw na ayaw magshare ng food. Sa lahat ng nagsosolo. Sa lahat ng kanta ng Spongecola. Punyeta ka Yael Yuzon, ang panget ng boses mo nakakainis! Sa mga hindi nagbabayad ng utang. Sa mga mandurukot. Kainis mainis.

So I'm Joyce and I'm happy.
NOT!

Wow, astig talaga ng Alexisonfire! Perfect na perfect ang music nila for my angst driven state right now.

← OLDER
NEWER →