Deadly Dance is best viewed in screen resolution 1280 x 1024.
This site is image heavy. All images here are copyrighted to me, otherwise stated.
Layout inspired by Now, Now Every Children's In the City.
Deadly Dance is best viewed in screen resolution 1280 x 1024.
This site is image heavy. All images here are copyrighted to me, otherwise stated.
Layout inspired by Now, Now Every Children's In the City.
|
posted : Monday, October 30, 2006
title : This Is Unfair
Bakit ganon? Ako lang ba ang nakakapansin na sa akin tinatambak yung pinaka maraming trabaho araw araw? Ewan ko lang. Maybe feeling ko lang. Kasi pare-pareho lang din naman kaming maraming ginaawa. Kaso nababadtrip lang ako kasi palagi na lang sa akin pinapa in yung malalaking PICOS tapos, yung mga company pa na may malalaking deposit sa akin din. Tapos pag malapit na akong matapos, may pahabol pa. Imbes na nagpprint na ako ng totals ko, may hinihintay pa ako. Habang yung iba nakauwi na. Tapos late pa ring dumating yung pick-up teller ko. Hello? Anong oras na ako nakakauwi. Normal na ang 8:30-9:00pm. Sobrang aga na ng 7:30. Eh samantalang dapat 6:00pm ang uwian. Lagi kaming OT. Actually, ayoko ng OT. Mas okay ng makauwi ng maaga kaysa mag OT ako. Napapagod na ako.
Okay sana kung meron akong ka-close sa office. Ang depresnya, eto ako, ang batang tahimik na walang mapag-share-an ng mga haka-haka nya sa buhay. Si Mimi at Karen, nagsosolo. Si Miss Grace at Dianne, okay lang...pero mas close sila. Si Abby, ewan ko...mas gusto nyang maka-close ang mga lalake. At ako? Close ako sa sarili ko. San ka pa? Super close no? Ewan ko ba. I just don't feel like nakaka-jive ko itong mga taong ito. I'm so choosy kung sino ang dapat pakisamahan. Ayoko din namang maging close lang sa isa. I wanna be friends with everyone. Ayoko ng matameme. Ayoko ng ganito. Inis sa trabaho kasi inis ako sa mga ka-trabaho ko. Puro inis na lang ang alam ko. Magpapasko pa naman, dapat bang ganito ako? Para kasing nakakabigat ng damdamin na parang feeling ko unfair ang life. Mag-isa lang ako. Kawawa. Walang gustong pumasok sa weird na mundo ko. Hindi ako interesante. Walang kwenta. Pucha. Puro ganto na lang ba ipopost ko dito?
|