rain,lights and colors
Deadly Dance is best viewed in screen resolution 1280 x 1024. This site is image heavy. All images here are copyrighted to me, otherwise stated. Layout inspired by Now, Now Every Children's In the City.




posted : Saturday, April 29, 2006
title : Life Ain't Easy
Why is it always like this during this time of year? Scan thru my old April-May blog archives to relate. Lagi ko na lang nararamdaman yung ganitong feeling pag summer season. Kahit na dun sa written diary ko ganun na lang palagi ang story.

I feel pity for myself.

Ewan ko. Masyado lang siguro akong self-centered at naaawa ako sa sarili ko for being good to others yet so miserable. Sa mga panahong ito laging sumasagi sa isip ko yung thought na: "Mabait naman akong anak, kapatid at kaibigan pero bakit di ko makuha yung gusto ko kahit yung pinaka simple lang?". Gusto ko naman sanang maging super saya after lahat ng paghihirap ko at pagtitiis. Pero hanggang ngayon di ko pa rin ata nararamdaman yun.

Kanina, pagdating ko sa Monumento station galing Makati eh namasyal muna ako sandali sa Ever Gotesco. Since payday ko last thursday, nakapag withdraw si daddy ng 500 na magiging baon ko for the day. So may pera naman ako at may roon akong urge to spend. Pero while looking thru the shelves sa National Bookstore kasi gusto kong bumili ng libro ni Bob Ong, biglang nagiba isip ko. Ayoko ng gastusin yung pera. Kasi out of the 3k+ na sweldo na nakuha ko, 2500 nun na kay mommy muna since we need it for paying stuff. Ewan ko ba kung bakit ayokong gastusin yung pera ko since akin naman yun. Pero naiisip ko kasi na baka kailanganin pa nila yung natitira kong 500 o baka wala na akong baon for the next days. For short, marami munang 'buts' bago ako bumili ng mga simpleng bagay-bagay na magpapasaya sa sobra kong lonely life.

Alam mo bang sobrang tagal na nung time na huli akong nanood ng sine, bumili ng libro, nagkaload ng hindi 25 at gumastos ng walang care? Nakakamiss lang. Pero sanay na naman ako sa pawindow-window shop eh. Hanggang tingin na lang ako for now.

Pero di yun ang point ko.

Ang point ko eh bakit ako nakakaexperience ng ganito eh sobra ko namang masunuring bata? Kung di man maibigay ni Lord yung mga earthly possesions na gusto ko, sana naman ibigay na nya sa akin yung PERSON na nilaan nya sa akin para kahit paano sumaya ako. Para di ko maiisip na nagiisa ako. Para hindi na ako magkaganito, umiiyak sa harap ng computer na parang tanga. Sobrang lungkot lang talagang isipin na ganon. Parang kasing feeling ko ako lang ang nakakaexperience ng ganito sa lahat ng mga kaibigan ko. Di ko ma-enjoy ang simple pleasures in life at mahalin na rin ng isang taong special. Parang di ako deserving na maging masaya?

Nakakalungkot talaga. Pero kailangang ngumiti para di halata.

← OLDER
NEWER →