rain,lights and colors
Deadly Dance is best viewed in screen resolution 1280 x 1024. This site is image heavy. All images here are copyrighted to me, otherwise stated. Layout inspired by Now, Now Every Children's In the City.




posted : Friday, October 28, 2005
title : Nyar! Nyar!
Wow, miss na miss ko na talaga itong Blogger ko. Binabasa ko yung mga luma kong post at naramdaman ko na mas open ako sa mga posts ko nung mga time na walang pumapansin at bumabasa sa blog ko. Mas nakakapag reklamo ako tungkol sa non-existent love life ko at sa kung anu-ano pang bagay na gumugulo sa utak ko.

Madami akong balita ngayon na di ko pwedeng i-share sa main blog ko. Kasi medyo secret pa sya sa ngayon. Ewan ko ba kung bakit dapat pang i-sikreto eh walang anu-ano naman eh mabubunyag din naman iyon sa madlang-tao. Eto kasi yun, galing sa napaka-epektibo kong source, break na daw ung isa sa mga barkada kong mag-on. Haaay, ewan ko kung matutuwa ako o malulungkot. Siguro mas natutuwa ako kasi, tapos na ang gaguhan between them. Ewan ko kung yun ang tamang term sa relasyon nila 'gaguhan'. Pero imbes na maawa ako sa babae...mas naaawa ako dun sa lalake kasi feeling ko siya yung ginago eh. Pero pinapalabas ng babae na she still cares for him, but not enough daw para ipaglaban nya ung relasyon nila. Washuuus. Totoo ba iyon ineng? O baka naman may third party? Hmmm? Naiinis lang ako kasi bakit sya ganon? Inalila nya at lahat yung lalaki tapos iiwan nya at makikipag-break at heto, meron pa syang kundisyon: wala daw sanang magbago sa kanilang dalawa. Ihahatid pa daw nung lalake si babae, susunduin...chuvanes ever...haaaay...ewan ko ba kung may sayad tong tao na to o normal lang sa kanya na humingi ng ganon at mangago ng tao. Syempre expect naman nitong tangang lalake na may pag-asa pa silang magkabalikan. My gosh!! How stupid can you get diba? Ano yun, reserba nya? Pag di nag-work yung relasyon nila ni third-party, anjan naman si ex-bf para sumalo sa kanya pag gusto na nya ng boyfriend uli? Gaaaaaah!! Ayoko ng spoiled brattttssss!!! Feeling nya kasi makukuha nya lahat ng gusto nya eh. Naku, hintayin ko lang na makarma sya, ewan ko lang kung matutuwa pa sya. At para naman dun sa tangang ex, gumising ka na Dong!! Wag ka ng magpakagago. Madami pang babae sa mundo na tatratuhin ka ng matino at di ka gagawing chimoy. Get a grip!! Kung hindi, sabay sabay naming iuupog ulo mo sa pader na semento.

Haaaay, ewan ko ba kung bakit lahat ng matitinong lalake, napupunta sa mga babaeng ewan. My gaaasss!! Ako kaya? Matinong babae? Mapunta kaya sa lalakeng ewan?

Teka, sinong may sabing matino ako?

Nga pala, eto mga pics...wala lang...feel ko lang ilagay ulit this time dito...nyarrr!!

← OLDER
NEWER →