rain,lights and colors
Deadly Dance is best viewed in screen resolution 1280 x 1024. This site is image heavy. All images here are copyrighted to me, otherwise stated. Layout inspired by Now, Now Every Children's In the City.




posted : Tuesday, October 18, 2005
title : Ang Batang Matakaw, Pwet Binabangaw
Medyo badtrip ako ngayon...haaay...ewan ko ba...dahil ito siguro dun sa nanggyaring pag-kakalipat ko sa Section A uli. Sa totoo lang, hindi ako nababad-trip dahil hindi ko gusto ang Section A. It's just when things are getting fun already at malapit ng matapos ang college, dun pa ako inihiwalay sa mga barkada ko. We were planning na nga about our up-coming feasibility study tapos biglang ganito? Di naman ata tama iyon...

Pero weird ko rin. Kasi noong sinabi na sa akin ni Sir Aguilar ang section ko, para bang wala akong care. Parang okay lang sa akin. Siguro masyado lang akong pre-occupied dun sa isa ko pang school problem...my swimming class. Kanina talaga gusto ko na syang maayos...so kung idadag-dag ko pa yung gusto kong lumipat ng section...abay, ka-artehan na siguro ang tawag dun. Ewan, parang ngayon eh manhid pa ako sa mga pangyayari. Biglaan kasi...unexpected. Kala ko talaga B pa rin ako since sobra akong mang-hula sa exams. Pero di ko akalain na tama pala ang mga hula ko. Leche.

Lumuwag ang pakiramdam ko nung nakita ko yung mga barkada ko pagkatapos kong magpa-xerox ng mga grades ko. Nakatalikod sila sa akin that time so di pa nila ako nakikita. Kinalabit ko sila Lala at Ann sabay sabing "Bye guyz..." then lahat sila tumingin sa akin sabay, "Jooooyyycccee!! Sayang bakit nahiwalay ka sa amin?? Badtrip..." Natuwa ako nung narinig ko yun galing kanila Lala, Ann, at sa iba pa naming kaklase na andun. "Naku, tatahimik na mundo mo sa section A!". Ako naman, pabirong ngumawa, pero deep inside nalulungkot din ako...kasi diba...last sem na lang...bakit di pa tinuloy tuloy diba? "Sige hintayin mo ako sa Section A next sem..." say naman ni Aiza. (as if may next sem pa para sa amin noh...) Then biglang singit naman ni Faye "Sige kita na lang tayo sa pasukan...section a din ako eh...tarush!!"

Nasisiyahan na sana ako sa aming lokohan eh. Ninanam-nam ko na kasi mami-miss ko yun. Pero may isang pasaway na sumingit at di manlang pinansin ang presensya ko the whole time na naglolokohan kami ng iba. Bigla ba namang tirada..."Hoy, saan ba tayo kakain?!"

Aba...matakaw tong isang ito.

Imbes na maki-sympathyze sa akin ay ganon pa ang ginawa...as if ayaw na nyang manatili dun sa lugar na kinatatayuan ko ng ilan pang segundo. Ni ha ni ho wala akong narinig mula sa kanya. Siguro meron pero not loud enough for me to hear or notice.

Hindi sya pinansin ng iba at patuloy pa rin sila sa batuhan nila ng lokohan.

"HOOOY! SAAN BA TAYO TALAGA KAKAIN? KAKAIN BA TAYO O HINDE?!"

Aba...matakaw nga! As in!

Ngayon pinansin na sya ng iba. Kasi mukhang may ginawa na syang pisikal sa pakner nya eh. So pinansin nya yung takaw pansin na matakaw. So para matigil yung bratinella, sumunod na sila at dahan-dahang umalis. Salamat na lang sa di nya pag-pansin at di pag-ayang kumain sa akin.

Buti pa si Lala at Ann, minanage pang magpaalam sa akin at kay Joann. Lab ko sila...sya inde. Ppffftttt!! :p~~

Sino ba itong matakaw na ito?
Haaay, kung mababasa nya ito at natatamaan sya...well, sya na yon!!
Wala lang... nainis lang ako sa ginawa mo. Feeling ko tuloy naiinggit ka kasi nasa Section A ako kahit hindi ko ingud-ngod ang nguso ko sa libro gaya mo. At ayaw mong naaalis ang atensyon nila sayo. (haaay...ang evil ko na!! stop me na!! kakarmahin na ako nyan!) Pasensya na. Sa iyon lang kasi ang napansin ko eh. Kung nababasa mo man ito. Isa pa lang ito sa mga gusto kong ipamulat sa iyo. Di ka na bata.

Matanda ka na. So start acting like one.


(nga pala. sabi sa akin ni lala na kaya daw ako napunta ng section a ay dahil daw yun sa na-compute na average ko since first year. parang ranking na daw kung baga. mga 1.90 something daw average ko. waw...anbelibabol! rawr!)

← OLDER
NEWER →