rain,lights and colors
Deadly Dance is best viewed in screen resolution 1280 x 1024. This site is image heavy. All images here are copyrighted to me, otherwise stated. Layout inspired by Now, Now Every Children's In the City.




posted : Sunday, October 16, 2005
title : I Miss You Blogger Blog
Haaay, it's just been 3 days that I officially changed my blog from Blogger to Cute News. And now I miss this blog terribly. With it's ease of use and all that, nothing compares to you my blogger blog...*sniff sniff*

Ok, so i actually have nothing to post...what's the use of this blog nga pala if I have another blog at Bituwin? Hmmm...siguro I'll make this as a tagalog blog kung saan pwede akong magmura at syempre mag-tagalog. Haaay, nahihirapan na akong mag-english minsan...saka I'm quite sure only a few would be reading this so I guess quite personal stuff will also be written here...

So, sisimulan ko na po ano ha?

Waw, napabalik na sa PBB house si Jenny, I'm sort of betting it's Raquel kaso, ayun...kinawawa na naman sya ng mga madlang pipol...ayun 12% lang ng votes ang nakuha nya...Naku, buti na lang at hindi si JB kasi puro ka-landian lang naman ang gagawin nila sa BB House ni Say eh (ika nga ng kakilala ko...kaya inis na inis sya noong napanood nya yung 100 seconds ni JB at Say kasi daw maglalandian lang naman daw yung dalawa for 100 seconds...aaannnddd...take note, sinasabi nya yun habang naka-sampay sya sa boylet nya...nyar!! o diba?!) Rico is quite deserving din naman kaso his career is looking up now na wala na sya sa bahay ni kuya. Jenny? Hmmm...pwede na rin...and I think kaya madaming nag-vote sa kanya kasi humanga sila sa ginawa nyang pag-quit for her dad...Naks, nag-balik na si Segura sa loob ng bahay ni kuya...

Ooookay, next? Hmmm...crush na crush ko ngayon si Claudio Sanchez at Josh Eppard ng Coheed and Cambria...ka-inlove! Galing ni Claudio mag-guitar...si Josh naman ay cute...wahahaha! Pero ngayon, nakikinig ako ng Alexisonfire. Another angst driven band for me to listen to... Putragis namang mga lamok to...pinapapak ako...kanina pa yan sa may sala hanggang ngayon dito sa library? Pwet! Ganon na ba akong kabaho? Di naman siguro... Masyado lang siguro akong maputi so naaakit silang sipsipin ang dugo ko. Whoohoo! Just killed one right now...with my bare hands! As in hinuli ko gamit ng kamay ko sabay durog sa kanya!! Mooowaaahhhaaahaaaa!

Grabe, puro non-sense nasasabi ko dito ah... In fairness, mas mahaba itong post ko dito kaysa sa actual blog ko ah...

so ano, hanggang sa susunod na walang kwentang post... ay lab yu ol!!

← OLDER
NEWER →