rain,lights and colors
Deadly Dance is best viewed in screen resolution 1280 x 1024. This site is image heavy. All images here are copyrighted to me, otherwise stated. Layout inspired by Now, Now Every Children's In the City.




posted : Thursday, November 3, 2005
title : Vacant Skies? Bongga!
I'am such an Internet abuser, for I log on the net everytime I feel like it even though I only bought a P35 net card which is only 5 hours of net surfing but unlimited during off peak hours. Naiinis na nga si daddy kasi sya daw di na makapaginternet kasi parati ako ang nasa harap ng computer. Di na daw sya makasingit sa akin. Teehee! Abah! Eh ito na lamang ang munti kong kaligayahan, ipagkakait pa ba sa akin? Ahehehe...

Kung inyong napapansin, iniba ko na ulit yung layout. Medyo nagsawa na ako dun sa Vintage eh...so iniba ko na rin yung name nitong blog. Imbes na Vintage Sky (dati...) ngayon ay Vacant Skies na. At least pareho pa ring VS ang initial nung pangalan nya diba? Parang ang mature nung name noh? Di ako makapaniwala na bakit di ko pa yun naisip noon pa. Ehehehe. The title was taken from a Sparta song of the same title. This layout features Mischa Barton. Di ko sya ganong ka-favorite na actress, but I find her really pretty and very modelesque (is there such a term?) Basta, para syang model and I love her posture and all. And I find her name so darn hard to spell. M-I-S-C-H-A ba or M-I-S-H-C-A? WTF! Basta yun na yun. Please correct me if my spelling is wrong so I could change the layout's texts asap. Kasi pinromis ko na di muna ako gagawa ng layout for my main blog at Bituwin, so itong blogger ko na lang pinagdiskitahan kong baguhin...ehehehe. Wala naman masyado nagbabago sa mga layouts ko eh...specially the CSS. Ay, masyado akong tamad magpalit ng CSS...and yeah, changing the codes and everything. Im so bad when it comes to CSS...specially manually coding it. I need a CSS builder pa para makuha ko yung gusto kong effect. I envy those people who managed to change their Friendster Profile from scratch. Wala talaga akong pasensya sa mga CSS at p, div class chuvaness evers na yan! Argh!

So noong mga nakaraang araw, nagdagdag ako ng mga songs sa MP3 player ko. Eh medyo sawa na ako dun sa mga songs ko dito sa PC, hinanap ko yung mga luma kong MP3 cd's then browsed through them. Ayun, I added some songs na sobrang miss ko ng pakinggan, and some of which brings back memories. Ehehehe... Naalala ko yung pinaka una (yata?) kong mp3 na nadownload (na nasave ko kasi may cd writer na kami), yung 3 Libras ng A Perfect Circle. Gah, ang ganda ganda! Nung napakinggan ko sya ulit, para ko syang pinapakinggan for the first time. Same thing dun sa Used for Glue ng Rival Schools, Guiernica ng Brand New at kung anu-ano pa na songs na ngayon ay nasa mp3 player ko na ulit. Yung iba naman, naaalala ko yung mga time na nilalaro ko yung Grand Theft Auto Vice City. Gaya na lang nung Broken Wings ng Mr. Mister (haha! oo gusto ko yun!), Post Modern Sleaze ng Sneaker Pimps at Lost Symphonies ng Saosin. Gah, gusto ko ulit maglaro ng GTA! Buti na lang nasa akin pa yung installer ni Jeff. Mooowwooohahaha!

Gusto ko na talaga bumili ng domain. Kaso syemperds, low budget ako so siguro di muna. Settle muna ako sa napaka bait kong host na si Lai. Pero since excited akong magkadomain kahit wala pa akong pera, nagiisip na ako ng domain name. Eto yung mga trip kong maging name ng domain ko kung sakaling magkaron ako ng $18:
  • lost-symphonies
  • 3libras
  • armyofme
  • gaga (ahaha...spur of the moment lang...nagiisip kasi ako ng tagalog word)
...at marami pang iba...gah..nawala ko kasi yung listahan ko ng mga gusto kong domain name eh. Halos puro song title sya eh. Gusto ko something short and with the extension na .com or .org. Wala naman ako maisip na tagalog word na nagdedescribe sa akin eh...Pwedeng 'engot.org' ehehehe...pero syempre gusto ko medyo classy. Haaaay, kelan kaya meron magbibigay sa akin ng $18? O di kaya magkusang loob na ibli ako ng domain sa HostingPH? (wink*wink sa bumabasa nito kung meron man...ehehehe)

Ay naku, sige na nga, bago pa kayo mabato sa akin. Babay!

← OLDER
NEWER →