rain,lights and colors
Deadly Dance is best viewed in screen resolution 1280 x 1024. This site is image heavy. All images here are copyrighted to me, otherwise stated. Layout inspired by Now, Now Every Children's In the City.




posted : Monday, April 7, 2008
title : Where's The Beach Partay?
So last April 4, 2008, umaga pa lang ay psyched na ang CMSD office dahil sa travel namin sa gabi papuntang Zambales. Pagpasok ko, dala ko na lahat ng gamit ko for the trip likemga damit at yung camera bag ko. May bitbit akong malaking shoulder bag at paper bag kahit na naka-slacks ako pag-pasok ng office. Nag collared shirt naman ako para di ako mukhang masyadong tanga. Buti na lang at wala kaming safe-keep from the night before kaya tunganga to the max kami mula umaga hanggang hapon. Kuhanan kaming mga girls ng picture gamit yung cam ko. Matagal ko ng gustong mag-picture taking sa office kaso sobrang laki ng cam ko para bitbitin basta basta. Nakakatuwa kasi halos lahat nasa good mood. Nagpapicture pa nga kaming mga girls na nagkukunwaring butis (naglalagay ng unan sa tiyan) para gaya daw ni Ate Grace. Then ayun, picturan kami hanggang sa nagsi datingan yung mga pick-up teller namin.

Mga 6pm ata dumating yung partner ko, at buti naman at naisipan niyang magbilang muna kami in spite na nagmamadali na yung mga officer para makaalis kami ng maaga. So mga Jollibee deposits lang ang safekeep namin. Sweet! After ng bilangan, kumain muna kami ng Pares para di kami gutumin sa biyahe. Pero nung balansehan na, etong bangag kong partner, short daw ng 8k. Pinabayaan ko. Ayun, nakita nya din...bangag kasi. Hehehe. So habang hinihintay naming magbalanse at mag close ng vault yung mga officer, picturan kami ulit. Mga 9pm na nung natapos ang lahat lahat ng dapat tapusin.

Lumabas na kami sa parking. Pag labas namin, nakabungad na sa amin ang sasakyan ni sir Randy. Dumadagundong ang kantang Low sa speakers. Syet. Inaya ko agad si Dianne sa sasakyan ni Sir Paul. Usapan na talaga naming mga girls na dun sasakay kay Sir Paul since malakas mag sounds si Sir Randy at medyo aatakihin ka sa puso sa pag-ddrive nya. Pero sabi ni Sir Randy hati daw ang girls, 2 sa kanya, 2 kay Sir Paul para daw may dumaldal sa kanila at di sila antukin sa pag-drive. Di kami pumalag ni Dianne at hinayaang sumakay sila Karen at Mimi kay Sir Randy. Hehehe. Ayus. Pero nung pag pasok ko sa sasakyan ni Sir Paul, putek, Low din ang kanta. Juskoday! Parang awa naman. Buti na lang at may iba pa siyang selection sa cd player ng sasakyan nya. Thank god. So magkakasama kami sa sasakyan nila Sir Paul, Dianne, ako, Kuya Jason at Kuya Zeke. Sa sasakyan naman ni Sir Randy ay sila Karen, Mimi, Ricky at Kuya Wright. At kay Sir Bong naman ay sila Kuya Rani, Arnel at Jap. At ng maayos na ang lahat, San Narcisso, Zambales, HERE WE COME!

Ang daldal namin sa sasakyan nung papasok pa lang kami ng Express Way. Kuha kuha kami ng video, picture picture. Kaso, di pa nakakalayo, kinailangan na naming mag-stop over kasi papa-load si Kuya Jason. Nag stop-over kami sa Shell Tabang, Bulacan. Sosyal. Maganda yung place. May Starbucks pa. So wee-wee muna kami at ng maispotan namin si Sir Randy na bibili ng Starbucks, agad kaming nangutang ng 300 kay kuya Jason para makabili ng frap. Umihi nga kami, bumili naman kami ng pampa-ihi. Kung di ba naman kami adik. Bale second time ko pa lang nag-iiStarbucks at di ko talaga siya gusto. Tapos nun, drive na ulit for another two hours. Daan kami ng San Fernando, Pampanga, tapos Bataan, tapos Olongapo, tapos Subic.

Nasa SBMA kami ng huminto ang caravan namin kasi iintayin nami sila Sir Bong. Huminto kami sa gilid ng highway at dun nagkuhanan ng litrato. Naghanap din ako ng bangin para dun itulak si Sir Paul kaso wala pang bangin dun. Ng okay na, drive kami ulit papunta ng Zambales. Mga 1 1/2 hour pa daw bago kami makarating sa destinasyon namin. At ayun, nakakita ako ng mga bangin at mga zigzag road. Dun din namin nakitang mag-ala Grand Theft Auto si Sir Randy sa sobrang hanep magpaandar ng sasakyan. Tawa kami ng tawa sa panonood sa mga failed attempts niyang mag-swerve sa zigzag road.

After 1 1/3 hours, narating din namin ang destination namin: ang family owned rest house nila Sir Paul malapit sa dagat. Mga 12:30 na nun. Kaming mga girls, nag palit na ng pantulog habang ang mga lalaki ay nagsimula ng mag-ihaw ng liempo pampulutan nila sa kanilang all night drinking session. Kumain muna kami ulit then decided to sleep around 2am. Kaso alas 3 na di pa rin kami makatulog ni Dianne. Pailing-iling kami sa sahig. Mga 4:30 or 5am siguro, narinig namin na medyo tumahimik na sa labas. Wala ng tugtog at wala ng nag kukwentuhan. Naririnig na naming humihilik si Kuya Jason, Kuya Arnel at Sir Randy sa baba. Pero naghahagikgikan sa background sila Sir Paul at yung iba pang gising. Bumaba si Dianne at inaya kami ni Sir Paul na pumunta na sa dagat dahil dun daw nila itutuloy ang kanilang tagay session. Sumama ako, bitbit ang camera ko habang sila Karen at Mimi ay tulog pa din. Naglakad kami papuntang dagat, bitbit ang kanilang lalagyan ng beer at rechargable lamp. Parang sagala lang. Sobrang dilim pa pramis. Tapos ayun nga, lumusong na ang mga lalaki sa tubig at dun nag harutan habang kami ni Dianne ay nasa shore lang at sinusubukan silang kunan ng litrato. After a few minutes sumunod na dun sila Karen at Mimi dahil nagising sila sa harmonic snoring ng tatlong lalaki sa kubo.

Mga 6am naisipan na naming mag swim since nagpalit na kami into our swim wear. Naks. Ang sarap ng feeling ng tubig kahit mahapdi siya sa balat. Hehehe. Ang sarap din ng feeling ng sand sa paa. Nakakatuwa. Ilang beses din akong na-wipeout habang pabalik sa lugar namin dahil sa agos. Di ako pinapatayo. Nagalusan tuloy ako sa tuhod dahil mabato yung part na kinadapaan ko. Mga 1 hour din kami nagbabad at nag hang-out sa may dagat. Tapos balik kami ulit sa kubo, ligo, palit ng damit, tapos breakfast na. Ang mga nagluto ng breakfast ay syempre, hindi kaming mga girls kundi sila Sir Randy at Sir Bong. Eggs, hotdog, corned beef ang agahan namin with Mountain Dew pa. Tamang tamang inumin sa umaga yan. After nun, since antok na antok kami, natulog kami hanggang 12. Hehehe. Wala kasing matinong tulog na nangyari nung gabi kaya yun.

Mga past 12 na ng naglunch kami since busy pa yung mga kusinerong mag pusoy. Puro seafood ang ulam. Tapos tulog ulit...minsan balik sa dagat para mag picture. Mga 4pm na ng naisipan na nilang umalis. Balak sana naming mag Zoobic Safari para dun ipakain sa mga leon si Sir Paul kaso late na natapos ang pusoy session ng mga lalaki kaya 4pm na kami nakaalis dun. Pero imbes na dumiretso kami pa-Manila, punta kami ng Subic at kumain sa The Coffee Shop kung san sikat ang kanilang plate sized Tacos. In fairness malaki nga siya. After nun, punta kami ng SBMA in hopes of going sa Zoobic Safari kaso sarado na daw kaya sa Bat Kingdom daw kami pupunta para pakain na lang sa mga paniki si Sir Paul. Maganda yung way papunta kaso wala ng mga bats kasi mga 6pm na nung nakarating kami. Medyo madilim na rin. Tapos nag punta pa kami sa Royal Mall para bumili ng chocolates na imported para pasalubong. Mga 7:30 yata kami nakaalis dun.

The whole way back to Manila, tahimik lang ako kasi inaantok ako. Nakatulog siguro ako for a good 30 mins kaso pag gising ko, nasa Pampanga pa lang kami. Hay.

Pero all in all, sobrang saya talaga. Astig mga ka-opisina ko. Sayang kasama. :D

Eto yung mga pictures:

gloryiswaiting
Go to my Multiply Gallery. The slideshow slows down my PC. Blech.

Whew. Long entry.

Labels: , , ,

← OLDER
NEWER →