rain,lights and colors
Deadly Dance is best viewed in screen resolution 1280 x 1024. This site is image heavy. All images here are copyrighted to me, otherwise stated. Layout inspired by Now, Now Every Children's In the City.




posted : Friday, August 10, 2007
title : Isn't It Funny?
Sometimes, I just can't help but feel funny whenever the security guards in our office always notice that I go home alone. They always ask me, "Ma'am, kayo lang po mag-isa?" or "Ma'am, wala kang sundo?". I just smile politely with a small laugh saying "Opo eh."

Kawawang bata. Nakakatawa.

Tapos bigla na naman ako mapapaisip kung bakit ba ako palagi umuuwi mag-isa at walang sundo. Syet. Isipin ko pa lang eh natatawa na ako kasi malapit na ako maiyak. Mapapabuntong hininga na lang ako habang nagaabang magisa ng jeep sa harap ng medyo madilim na harapan ng opis namin. Minsan tatakbo sa isip ko yung thought na kasi-wala-kang-close-friend-thought. Tapos yung di-ka-masaya-kasabay-pauwi-thought din biglang sisingit. At yun, habang nakasakay ako sa jeep, nagsesenti ako. Ewan ko ba. Kaartehan na siguro itong nafe-feel kong self pity. Parati na lang feeling ko eh magiging close lang ang isang tao sakin pag may kailangan sila from me. Tapos pag wala na, deadma na ang tratuhan. Ganon lagi ang feeling ko. Wala silang lagi pakialam kung ano ang mararamdaman ko after nila akong balewalain. Di nila naiintindhian yung nararamdaman ko pag masaya akong kasama sila at kung gano ako nasasaktan pag etchapuwera ako. Ako yata ang KSP na ayaw magpapansin. Gusto ko sila mismo ang makaramdam. Ite-take ko lahat hanggang kaya ko, pero ewan ko na lang pag napuno na ako.

At dahil sa weirdong ugali kong ito. Meron na akong gut feeling na tatanda na akong dalaga. Hindi siya malabo. Nakikita ko na ang sarili kong matandang dalaga. In full color and in 3d pa. Di ko kasi ma-imagine na may magkakagusto pa sa akin eh. As in. Pramis. Di na ako umaasa. Kasi tingnan mo, close friends ko di ako matiis makasama dahil sobra akong boring, isang lalaki pa kaya? Diba? Diba? Kasi parang feeling ko wala akong extraordinary trait para magustuhan eh. Wala talaga. Ako na mismo ang nagsasabi. Most guys are scared of me. Scared to know the real me. So yeah, tingin ko old maid na talaga ako in a few decades.

Well, I dunno if it's a good or bad thing to feel this way. At least diba, tanggap ko na ang maaari kong maging kapalaran... haay layp. Ang emo mo!

Labels:

← OLDER
NEWER →