rain,lights and colors
Deadly Dance is best viewed in screen resolution 1280 x 1024. This site is image heavy. All images here are copyrighted to me, otherwise stated. Layout inspired by Now, Now Every Children's In the City.




posted : Tuesday, November 29, 2005
title : Eyes of Tragedy
Kakalungkot naman...basta. Almost whole day ako sa school ngayon. Bored to death din kahit maraming dapat gawin. Inaantok pero dapat pang manatiling gising. Nagbo-blog kahit dapat gumawa ng homework. Pero sa totoo lang, kahit madami akong dapat gawin, itong pag iinternet ang sort of outlet ko if ever na naiinis ako sa mundo. Gusto ko syang isingit kahit sandali lang kasi dito nawawala ang inis ko sa buhay kong ewan. Di ko man sabihin kung ano talaga ang nararamdaman ko dito, gumagaan ang pakiramdam ko after typing my thoughts or useless rambles here.

Ngayon ko lang napagtanto na hindi ako pwede ng walang kasama o kaibigan. Medyo selosa rin pag dating sa kanila. Hindi ko alam kung bakit. Inferiority lang siguro ito na dapat kong baguhin. May mangyari lang na kaliit na bagay, di ko maiwasang lumungkot. Ewan ko. Basta namimiss ko lang mga kaibigan ko, pati na sila Carol at ang HS tropa ko. Lahat kasi mga abala sa mga sariling buhay nila, school at kung anu-ano pa. Ako rin naman busy, pero mukhang hindi ko gusto itong busy-busyhan na ginagawa ko. Ako'y isang tao na naghahanap ng kaligayahan (hindi yung kaligayahang iniisip mo, ugok!) dito sa World Wide Web. Pagkatapos ng nakakawindang at makapanuyong laway (na bumabaho na kasi di nagagamit sa pagsasalita) na araw sa eskwelahan, heto ako at nagkukwento ng walang kwentang buhay ko. Pero swear, masaya na ako nito.

Nga pala, nakita ko si Jenny ng PBB. Ampanget.

← OLDER
NEWER →