rain,lights and colors
Deadly Dance is best viewed in screen resolution 1280 x 1024. This site is image heavy. All images here are copyrighted to me, otherwise stated. Layout inspired by Now, Now Every Children's In the City.




posted : Sunday, April 20, 2008
title : Puro Plano, Olats Naman!
Ngayong summer ang pinaka magandang time na mag-plan ng kung anu-ano. Masaya kasi itong time of year na it for the most of us. Kaya ito rin ang time para magarap ako ng mga random stuff na feeling ko naman ay malayong mangyari. Asa pa ako.

- pumunta ng Zoobic Safari with my girl officemates
- pumunta ng Corregidor (tama ba spell?) with my officemates or my mom and dad.
- pumunta ng Baguio (huwaw! eto malabong malabo! budget pa lang talo na ako!)
- pumunta sa mga pinsan ko sa Antipolo sabay pasyal doon
- paayos yung auto...hehehe.
- bumili ng Holga
- bumili ng 1gb na memory para sa PC
- mag-aral mag-drive (para makapasyal ng di na nagaalala sa driver)
- umattend ng CLP every saturday (kaso pano na ang shopping saturdays ko?!)
- mag picture ng madami

Lahat ng planong yan eh kailangan ng pera. Leche. At yun ang wala ako ngayon. Yey! Sana naman at least 2 or 3 sa mga yan matupad ko before summer ends. Bago mag tag-ulan. Haaay.

------

RANDOM:
Dahil nadinig ko sa iPod ko ang kantang 'Broken Wings' ng Mr. Mister, gusto ko tuloy maglaro ng GTA kaso mamamatay na PC ko kung gagawin ko yun... Nakabili na ako ng bagong relo! Kaso naayos ko na yung luma ko which I thought na sira na forever kaya ako bumili ng bago... Kailangan ko ng magpa-print ng mga pictures para may mailagay na ako sa cork board ko sa room... Gusto ko ng mini Canon S3IS na cellphone charm from Microminds... Napanaginipan ko si Jim Sturgess na kasama ko siya sa panahong magugunaw na ang mundo. Ang pogi nya dun sa panaginip ko... Kahit di ko masyadong na-gets, nag-enjoy akong panoorin ang 'Across The Universe'. Ang hot kasi ni Jude at astig ang mga song numbers... Kaya, nagdownload ako ng OST ng 'Across The Universe'... Na feeling ko na nag-trigger para mapanaginipan ko si Jim Sturgess.


-EDIT-
napagalaman ko na 350 ang cellphone charm sa Microminds. Syet. burloloy lang sa cellphone 350?! gimme a break. no thanks. at napagalaman ko din na nagtaas na pala ng presyo ng Holga sa Team Manila na dating 3980 eh 4500 na ngayon. kaya mas feel ko na lang bumili ng Diana na 3k lang. or Colorsplash cam. syet syetttt!

Labels: ,

← OLDER
NEWER →