rain,lights and colors
Deadly Dance is best viewed in screen resolution 1280 x 1024. This site is image heavy. All images here are copyrighted to me, otherwise stated. Layout inspired by Now, Now Every Children's In the City.




posted : Sunday, February 19, 2006
title : Namamagang Gilagid
Alam nyo bang dalawang araw na akong di makakain ng maayos? Ito ay dahil sa sobrang pamamaga ng gilagid ko dun sa bandang dulo ng bunganga ko. Di ko alam kung epekto lang yun ng pagtubo daw ng "wisdom tooth" ko o isa lamang iyon sa mga panahon na trip lang nyang mamaga ng tipong di ko na maisara yung bibig ko sa sakit. As in lagi mo akong makikitang nakanganga kasi masakit pag nasasagi sya. Buti na lamang at naisipan ng nanay ko na patingnan na ako sa dentista (na sobrang kapani-panibago kasi di sya nagdedecide ng spur of the moment na "Tara, punta tayo sa dentista") kahapon kasi akala nya, tutubo na yung ngipin ko ng kaalaman. At alam nyo kung ano ang sabi ng dentista? My gingivitis daw ako. Well, alam ko na yun noon pa, pero di ko alam na maaari palang lumala yon hanggang malagas lahat ng ngipen ko. Buti nga daw at nasa starting stage pa lang at pwedeng maagapan. Whew! Buti na lang. Kasi naman Joyce, tamad ka magsipilyo, batugan ka! Kaya ngayon, naisingit pa itong problema ko sa bunganga ngayong kasagsagan ng mga gastos. My gulayness. Pero ika nga, "It's better to give, than to recieve" (ano raw?)

Sa iba namang balita, noong Biyernes, nagtungo kami ni ama sa Makati para makapag-exam ako sa Accenture na yan. At last, may isa na akong in-applayan na trabaho. Kailangan ko na lang siguro pumasa sa exam at interview. Pero hinde ako umaasa dahil todo sa kahirapan ang exam, lalo na kung gusto mong mapasok sa isang Technical job. Putek naman kasi noh. Noong tinetake ko yung exam tungkol sa programming at math, imbes na mag-concentrate ako dun sa mga tanong eh mas nagko-concentrate ako sa punong-puno ko ng pantog. As in, gusto ko ng imihi then and there. Pero kawawa naman ang carpeted floor ng AIM Conference Center in case na ginawa ko yun. Biruin mo, halos 2 hours ko tiniis ang feeling na namumuo sa puson ko. Buti na lang at nagka-guts ako na magpaalam para mag-wiwi. After that, waw, ang sarap ng feeling at in the mood na naman akong mag test! Kaso, 30 minutes na lang pala ang left to do the exam so ayun... nasayang ang pent-up energy ko para magsagot ng flow chart. Sayang talaga! Pero still, sana maipasa ko sya kahit dun sa non-technical job para at least diba, may job na ako after a few months. Pressured na ako to get a job eh. Matinding pangangailangan. My gas.

Okay, tama ng kadaldalan. Gusto ko sanang gumawa ng layouts kaso medyo may inspiration block yata ako ngayon. Biruin mo, halos 1 month na yung layout ko sa site ko. Anbelibabol!

← OLDER
NEWER →