rain,lights and colors
Deadly Dance is best viewed in screen resolution 1280 x 1024. This site is image heavy. All images here are copyrighted to me, otherwise stated. Layout inspired by Now, Now Every Children's In the City.




posted : Saturday, December 31, 2005
title : Brandon Boyd, Iniirog Kita!
Bago ang lahat, nais ko kayong batiin ng Happy New Year mula sa kaibuturan ng aking puso. If ever man na may bumabasa nitong leche kong blog na ito. Kung inyong mapapansin, medyo matagal din akong hindi nagpaka-emo sa blog na ito. Ewan ko ba kung bakit wala akong emo moments nitong mga nakaraang linggo. Siguro kasi nakabili na ako ng sarili kong domain kaya ako masaya. Woohoo! Masaya kasing mag-ayos ng website at gumawa ng sangkaterbang layouts para doon eh. Im busy looking for layout inspirations saka nagiisip pa rin ako kung gagawa ako ng graphics site para maka-earn ako ng pera mula sa ka-batuganan ko sa pamamagitan ng pag-gawa ng layouts para sa ibang hindi marunong inde ba? Pero saka na siguro kung kelan may panahon na ako para magpaka-BUM! ehehehe.

Nga pala, bagong layout brought to you by yours truly. Adik ako ngayon kay Emily The Strange eh. Kaya nga noong nakakita ako ng wallet na nakalagay ang mukha nya eh agad akong nagpabili sa nanay ko. Astig nya kasi eh. Anti-cool. Parang ako. Wahahaha! Biro lang. I'm 'un-cool'.


Saka itong layout na ito ay balak kong i-contribute sa graphics site ng aking kambalishoos na si Xyla. Kaso medyo aayusin ko muna ung codes at kung anu-ano pa. Medyo tinatamad pa kasi ako eh.

Maraming nangyari sa buhay kong walang kulay nitong linggong ito...medyo tinatamad nga lang akong magshare dito kaya punta na lang kayo DITO.

Ang pinaka highlight nitong post na ito ay kitang kita na sa title siguro. MAHAL KO NA SI BRANDON BOYD AT GUSTO KONG SIYA ANG MAGING AMA NG AKING MGA ANAK. ehehehe. Grabe. Adik na naman ako kay Brandon at sa kanyang banda. Naaliw kasi ako sa kakatitig sa kanya habang pinapanood ko ang Incubus Alive at Red Rocks DVD nila. Leche, para ba naman akong tangang nagtititili dito habang pinapanood siya sa harap ng TV. Take note, mag-isa lang ako noon ah. Kasi diba, hindi lang sya gwapo, super talentado pa sya. Wickedly smart at very articulate. Meron din syang funny side. Haay. Sana mahanap ko na ang Brandon ng buhay ko. Kung pwedeng sya na lang sana eh bakit hinde diba? Pero syemperds, impossible yun. Ang agwat namin ay langit at lupa. Huhuhu. Pero makita ko lang siguro sya sa personal ay pwede na akong mamatay. Ehehehe. Okay, scratch that. Makasiping ko lang sya sa loob ng isang gabi ay pede na akong mamatay. NYAHAHA! Over na ako!

Sino ba diyan ang gustong sumama sa akin upang ipetisyon ang pagbabalik ng Incubus dito sa Pinas? Leche kasi ako eh. Di ko sila pinanood when I got the chance. Sino? Sino??? Or sino dyan ang pwede akong papuntahin abroad para mapanood sila? Ehehehe.

Ay naku, wala na namang kwentang post. Sige, babay! Happy New Year every all!

← OLDER
NEWER →