rain,lights and colors
Deadly Dance is best viewed in screen resolution 1280 x 1024. This site is image heavy. All images here are copyrighted to me, otherwise stated. Layout inspired by Now, Now Every Children's In the City.




posted : Saturday, November 19, 2005
title : I Promised The World and A Dozen Roses
Ookaaay. New layout for Vacant Skies! Woot Woot! I'm so tired of the plain Mischa Barton layout here...so I made a sort of collage type layout. Danda noh? Dapat sa Bituwin blog ko ito lalagay kaso di ako masyado nasiyahan sa kinalabasan nung pic eh...so dito ko na lang nilagay. Gagawa na lang siguro ako ulit pag meron na akong nakitang disenteng picture ng Saosin na pwede kong ilagay sa layout ko. Nainspire ako sa layout ng Creativity Kills...astig.

Naiinis ako. I feel so ignored. I'm good as gone. Well, pag kasama ko lang yung mga sinasamahan ko sa section namin. Ewan ko ba kung ako lang may problema pero yun ang nafi-feel ko. Kasama nga nila ako pero, ni ha ni ho wala akong naririnig from them. For short, feeling ko ayaw nila akong kasama. Ay, ewan. Sumasama lang naman ako sa kanila kasi mga sort-of friends sila ng isa kong friend. Since yung friend ko lang na yun ang ka-close ko, sa kanya ako sumasama at nakikigroup sa projects. Di ko lang alam kung ayaw lang sa akin ng mga friends nya or wala lang silang sense of accomodation sa isang outsider na gaya ko. Parang exclusive lang sila sa isa't isa at wala ng pwedeng makipag-kaibigan sa kanila. Isa pang kinaiinisan ko eh yung sa FS namin, pero mahabang storya yun...nakakatamad ikwento. Basta nakakainis lang yun. Para bang damang-dama mo na ayaw nila sayo. Haaay, minsan naman sana magpaka plastic sila sa harap ko...wag naman diretsahang isnaban. Imbyerna pa yung time na akala namin susunod sila sa karinderya na kakainan namin, pala ayun, nag lunch sila sa canteen ng walang pasabi. Sa iba siguro walang ibig-sabihin yun...pero sa tingin ko, ayaw lang nilang sumama dahil andun ako. Bakit, inaano ko ba sila? Leche. Natutuyo na nga laway ko dahil di ako umeepal sa usapan nilang puro tungkol sa lalake tapos, parang pinaparamdam pa nila na ako na ang pinaka-malaking epal sa balat ng lupa.

Hindot. Inggit lang sila dahil mas maganda ako sa kanila no! Buti pa yung ibang tao dun, accomodating. Hmph!

Buti na lang nakita ko ulit barkada ko kahapon. Kahit sandali lang medyo gumaan ang pakiramdam ko. It's good to see some old friends. Old friends na uber accomodating at inaapreciate ang katauhan mo.

Sabi nga nila sa akin kahapon, "Miss na miss ka na namin Joyce!"

← OLDER
NEWER →